GLOBAL RECIPROCAL COLLEGES

College of Accountancy
College of Business Administration
College of Education
College of Computer Colleges

VISION

A global community of excellent individuals with values.

MISSION

GRC is creating a culture for successful, socially responsible, morally upright skilled workers
and highly competent professionals through values-based quality education.

MISSION

GRC is creating a culture for successful, socially responsible, morally upright skilled workers
and highly competent professionals through values-based quality education.

VISION

A global community of excellent individuals with values.

A Message of Hope and Patriotism – Atty. Alex Lacson's Graduation Speech

Alam ko na indak na indak na kayo mag-celebrate. Ang iba sa inyo, baka may date pa, at baka may litson pang naghihintay sa bahay. Kaya maiksi lang po ang speech ko sa inyo. Pero puwede ba akong maging brutally honest with you? Wala pong pambobola at sugarcoating ang mensahe ko sa inyo.

 

Today, I will tell you three things you already know.

Una, kakaunti lang ang job or work opportunities dito sa bansa. Kaya taon-taon, marami sa mga graduates natin ang napupunta sa call center o nagiging Grab driver. Pero disente ang magtrabaho sa call center o maging Grab driver. At least, hindi galing sa nakaw ang kinikita mo, hindi tulad ng mga korap na pulitiko.

 

Pangalawa, kapag may nahanap ka mang trabaho, most likely minimum wage ang sahod mo. Okay lang iyon sa simula. Ako, nagsimula rin sa minimum wage. Ang problema ay kung after five years, after ten years, minimum wage pa rin ang sahod mo.

 

Pero, at ito ang pangatlo, huwag kayong mawalan ng pag-asa dahil graduate na kayo. Marami nang puwedeng gawin. Puwede na kayong mag-asawa, at puwede na kayong maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Sa ibang bansa, totoo naman na mas mataas ang suweldo.

Iyan ang kuwento ng karamihan sa atin. At iyan din ang pangarap ng marami—ang makapagtrabaho sa ibang bansa. Iyan ang kuwento ng tatlo kong kapatid. Sa ibang bansa sila nakahanap ng maayos na trabaho.

 

Siguro, iyan ang kuwento ng mga lolo at lola ninyo. Siguro, iyan din ang kuwento ng mga magulang ninyo.

Ganiyan din ba ang magiging kuwento mo? Ganiyan din ba ang magiging kuwento ng magiging mga anak mo? Ganito na lang ba palagi ang kuwento nating mga Pilipino? Alam ninyo ba kung bakit kakaunti lang ang work or job opportunities sa bansa para sa mga graduates at sa mga magulang ninyo? Kasi ang mga foreign investors or companies ay ayaw mag-invest o magtayo ng negosyo nila dito sa bansa. Ang pinaka-top reason—korapsyon. Alam ninyo po ba kung sino-sino ang nasa likod ng pinakamalalaking korapsyon sa bansa?

 

Ang mga dinastiya. Ang mga pulitikong ginawang family business ang pulitika. Ang mga pulitikong ang buong pamilya ay sabay-sabay sa pulitika at nagpapalit-palit lamang ng posisyon. Ang masterminds o nasa likod ng mga pinakamalalaking korapsyon sa bansa sa nakaraang limang dekada ay:

 

  • Fertilizer Scam (2003)
  • Napoles Scam (2013)
  • Flood Control Corruption (2025)

Recently, nakita natin ito sa Flood Control Corruption scandal. Ang masterminds sa korapsyon doon ay mga senador at kongresistang matagal na sa pulitika, kasabwat ng mga korap na contractor at DPWH officials. In short, o sa madaling salita, ang pangunahing dahilan kung bakit kakaunti lang ang work or job opportunities sa bansa para sa mga graduates at sa mga magulang ninyo ay ang mga dinastiya—ang mga pulitikong ginawang family business ang pulitika.

 

 

Alam ninyo po ba kung bakit naghihirap ang milyun-milyong Pilipino?

Because our system of government is badly broken, terribly broken! Sirang-sira, bulok na bulok ang sistema ng ating gobyerno sa bansa.

 

 

Sino ang gumagawa ng batas sa bansa?

Ang mga mayayaman, mga dinastiyang pulitiko—ang iba sa kanila ay mga bilyonaryo. Ang gumagawa ng batas para sa 24 million families ay galing lamang sa iilang mayayamang pamilya ng mga dinastiya.

 

 

Sino naman po ang nagpapatupad ng batas sa bansa?

Mga dinastiya rin—mga mayayamang pamilya ng dinastiya. In short, ang gumagawa ng batas para sa nakararaming mahihirap sa bansa ay ang kakaunting mayayaman at mga dinastiya. At ang nagpapatupad ng batas para sa nakararaming mahihirap sa bansa ay ang kakaunting mayayaman at mga dinastiya.

 

 

Iyan ang pinakaugat ng problema natin. Kaya ang sistema natin ay pabor at nagpapayaman lamang sa mga dinastiya, mga oligarkiya o malalaking negosyo, at mga korap sa gobyerno. Hindi ito pabor sa mga maliliit, sa mga mahihirap, at sa mga ordinaryong mamamayan. Ang sistema natin ay pabor lamang sa kakaunting iilan. Hindi ito pabor sa nakararami. Hindi ito pabor sa 70% ng ating populasyon.

 

 

Ang sistema at batas natin ay hindi pabor sa mga kabataan at mga mahihirap. Ang sistema natin ay nasa Konstitusyon. Kaya kung gusto nating baguhin ang sistema, baguhin natin ang Konstitusyon. Apatnapung taon na ang Konstitusyon natin. Pero hindi nito napaganda ang pamumuhay ng nakararaming mahihirap. Sa totoo lang, hindi nabigyan ng ating Konstitusyon ng pag-asa at magandang kinabukasan ang mayorya o karamihan ng ating mga kabataan.

 

 

Hindi na sapat ang good governance lang. Ang kailangan ng bansa ay radikal na reporma o pagbabago ng sistema. Kailangan nating baguhin ang Konstitusyon at ang sistema. Baligtarin natin ito. Gawin natin itong pabor sa mga maliliit, sa mga mahihirap, at sa nakararami. Gayahin natin ang sistema sa Singapore, Germany, Vietnam, Sweden, at Switzerland. Doon sa kanila, ang gumagawa ng batas ay hindi ang mga mayayaman kundi ang ordinaryong mamamayan. Ang nagpapatakbo sa gobyerno ay hindi ang mga dinastiya at mayayaman kundi ang mga ordinaryong mamamayan. Doon po sa kanila, hindi ang mayayaman ang gumagawa ng batas para sa mahihirap. Doon po sa kanila, hindi ang mayayaman ang nagpapatakbo ng gobyerno para sa mahihirap. Ang ordinaryong mamamayan ang gumagawa ng batas at nagpapatakbo ng gobyerno sa kanilang bansa.

 

 

Ito ang kailangan nating baguhin sa ating sistema. Ito lang ang tunay na pag-asa ng bawat pamilyang Pilipino sa ating bansa. Ito ang repormang kailangan nating gawin para mabigyan ng tunay na pag-asa ang mga magiging anak at apo ninyo. Kaya samahan po ninyo kami. Simulan natin ang laban sa mga dinastiya o political dynasties. Paki-follow sa Facebook ang “Dapat Isa Lang.” Ang Dapat Isa Lang ay isang kilusan para magpasa ng tunay na batas laban sa mga dinastiya. Simulan natin dito. Malaking pagbabago sa sistema ang dala-dala nito. Wala pong tutulong sa atin kundi tayo mismo. Wala pong ibang tutulong sa inyo at sa pamilya ninyo kundi kayo mismo. Ipaglaban ninyo ang sarili at pamilya ninyo! Ipaglaban natin ang ating bansa! Maging mabuting Pilipino! Laban!

 

 

Congratulations po sa inyong pagtatapos! Mabuhay po kayo!

FOR QUICK INQUIRIES




    To directly message a department/office, please click here.

    EVENTS

    Global Reciprocal Colleges’ Graduation Day 2026

    Chairman Emeritus’ Birth Anniversary “Share a Meal” 2026

    Global Reciprocal Colleges’ Graduation Day 2025

    GRC Sportsfest 2024

    📅 Academic Calendar

    Academic Year 2026-2027


    The Academic Calendar for AY 2026-2027 is now available.
    Students are encouraged to review important enrollment schedules, examination dates, semester activities, and graduation-related schedules.


    View Academic Calendar

    This will close in 20 seconds

    Scroll to Top